Si Juan! Si Juan! Parati na lang si Juan?
Si Juan na pag asa ng bayan, na inaasahan sa mga tahanan ng bawat Pinoy. Eh paano kung walang trabaho? Ano nga ba ang maaasahan?
Pero bakit nga ba walang trabaho?
Hindi ko naman masasabing tamad, dahil natural sa ating mga Pinoy ang pagiging masipag at matiyaga sa maraming bagay. Maraming kababayan lang talaga ang hindi nabibigyan ng tamang pagkakataon sa tamang panahon.
But wait!.... There's more!
Sinong nagsabi na walang pagkakataon? Kailangan lang nating maghanap. Lagi nating sinasabi na walang choice kundi ang ganito na lang, kasi mahirap lang kami. Wehhh! Mas marami pa diyan ang mas mahirap sa iyo. And besides, di mo kinakailangang maging mayaman para matuto, hindi naman pera ang ginagamit para gumana ang utak. Nasa sa iyo yan, desisyon mo yun.
Ang ating pamahalaan ay bumuo ng isang ahensya na naglalayong tumulong sa bawat Pilipino na nagnanais na matuto, nagnanais na magkatrabaho, nagnanais na kumita, nagnanais ng buhayin ang pamilyang umaasa sa kanila.
Alam niyo ba kung ano ito? Eh ano pa, eh di ang TESDA! Hindi mo kailangan ng maraming salapi para maka enroll, kailangan mo lang ay sipag at tiyaga. Maraming pagpipiliang kurso, pwede kang mamili ng schedule na naaayon sa oras at panahon na ubra ka. At kapag natapos mo ang kursong napili mo, madali ka ng magkakatrabaho.
Narito ang official website ng TESDA http://www.tesda.gov.ph/ at meron din sila sa Facebook http://www.facebook.com/TESDAOfficial.
O ano? May dahilan ka na naman? Babae ka? Eh ano naman? Ang TESDA ay may Women's Center, marami pa rin pagpipiliang kurso na naaayon sa mga kababaihan, at saka, marami ng trabaho ngayon na kaya ng gawin ng babae, ilan pa nga sa mga employer ay mas nais na babae ang i-hire. Eh ano naman kung may kapansanan ka o malayo ka sa mga center na pwedeng pasukan? Meron din ang TESDA ng Online Programs, di mo kailangang lumayo para matuto. Ano, lulusot ka pa?
Napakadaling matuto sa TESDA, hands on ang pagtuturo, hindi lang puro lecture, alam nila na mas maraming matututunan kapag actual na ginagawa.
Pagkatapos mo ng training o kurso, madali ka ng makakahanap ng trabaho, may mga naka post din silang Job Vacancies na maaari mong apply-an agad. Alisto ka lang dapat, di pwede ang nakanganga sa hangin at kabag ang aabutin mo, pati pamilya mo lalaki ang tyan dahil sa hangin.
O diba, may choice ka, gamitin lang ang utak! Hindi mo kailangang maging mahirap habangbuhay, may choice ka na iangat ang sarili mo.
Dahil Sa Tesda, May Choice Ka!
All photos posted on this blog are courtesy of TESDA's website.... http://www.tesda.gov.ph/
ReplyDelete